Ano Ang Buod Ng Kwentong Ang Sugat Na Hindi Nakikita?

Ano ang buod ng kwentong Ang Sugat Na Hindi Nakikita?

Ang Sugat na Hindi Nakikita

Buod:

         Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaki na nagkaroon ng sugat na hindi nakikita. Siya ay nagtungo sa pagamutan ng seruhano ipang ipagamot ang makirot na bahagi ng kanyang kamay na kanyang idinadaing. Sinuring mabuti ng seruhano ang bahagi ng kamay na idinadaing ng lalaki ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang nakitang anuman na nakapagpapasakit dito.  Nagalit ang lalaki sa sinabi ng seruhano kayat kumuha siya ng labaha at hiniwa niya ang kanyang kamay ng sa gayon ay magkakaroon na ng dahilan ang seruhano na siya ay gamutin. Napilitan ang seruhano na tahiin at gamutin ang lalaki. Naginhawaan ang lalaki at siya ay nagpasyang umuwi.

        Makalipas ang tatlong linggo, bumalik ang lalaki at sinabing mas masakit ang kamay niya kumpara sa una niyang pagdalaw sa pagamutan ng seruhano. Pinilit niya na gamutin muli ng seruhano ang kanyang kamay sa kabila ng hilom na nitong kondisyon. Umalis ang lalaki matapos ang gamutan at hindi na muli pang bumalik sa halip ito ay nagpadala ng liham sa seruhano at sinabi ang katotohanan ukol sa sugat niyang hindi nakikita. Natuklasan ng seruhano na ang lalaki ay nangungulila sa kanyang asawa na kanyang napatay matapos na ito ay pagdudahan sa mga liham na ipinatago ng kondesa. Huli na ng malaman ng lalaki na ang kanyang asawa ay naging tapat sa kanya. Magsisi man siya ay huli na kayat nagpasya siya na wakasan ang kanyang buhay.

Read more on

brainly.ph/question/1901736

brainly.ph/question/1399989

brainly.ph/question/1389570


Comments

Popular posts from this blog

The Great Circle On The Earths Surface Passing Through The North And South Pole, A. Latitude C.Prime Meridian , B.Longitude D. North Hemisphere, Pa An