Ano Ang Gintong Aral Sa Kabanata 1 Ng Noli Me Tangere?
Ano ang gintong aral sa kabanata 1 ng noli me tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 1: Isang Pagtitipon
Gintong Aral:
Hindi sa pagiging relihiyoso masusukat ang kabutihan ng isang tao. Sa pagitan nina Ibarra at Padre Damaso, mas kilala ang kura sapagkat siya ay minsang naging makapangyarihan sa bayan ng San Diego at nananatiling may malakas na impluwensya sa mga taong naninirahan dito. Subalit ang kanyang pagiging relihiyoso ay naisantabi at nawalan ng saysay matapos niyang laitin at libakin ang pagkatao ni Crisostomo Ibarra. Ang pagsusuot niya ng abito ay hindi tumugma sa kaniyang ikinilos at higit sa lahat sa kanyang pananalita. Kaya naman sa kabila ng pagiging tao ng simbahan, hindi magawa ni Ibarra na galangin ang naturang pari.
Sa isang banda, ang totoong may pinag aralan ay hindi lamang puro akademiko ang dala maging ang kabuting asal. Bagay o pag uugaling ipinamalas ni Ibarra matapos na siya ay hiyain ni Padre Damaso. Ang kanyang pag iwas at hindi pagpatol sa pamamaliit ng kura ay palatandaan na siya ay totoong nakapag aral ng mabuti at naturuan ng kagandahang asal. Hindi kailangan na makipagtalo sa pari. Sapagkat batid ni Ibarra na ang pag aaral sa ibang bansa ay hindi masama at hindi kailanman dapat na tutulan ng pamahalaan lalo pa kung ito ang makapagpapaunlad ng kanilang bayan.
Read more on
Comments
Post a Comment