Ano Ang Kaibahan Ng Pangarap Sa Mithiin? 100 Na Salita
Ano ang kaibahan ng pangarap sa mithiin? 100 na salita
Ang pangarap ay ang mga bagay na nais mong maging sa hinaharap.Aktibo ang isa na abutin ito. Maaaring propesyon ito na nakaayon sa iyong hilig, pagnanasa . Maaaring ang kalagayan sa buhay ay nag-uudyok din sa isa na mangarap ng mas mabuting pamumuhay.
Ang mithiin ay ang layunin ng iyong paggawa o mga pasya. Ito ay binubuo ng iyong mga pagpapahalaga. Ang mithiin ay kasama ng pangarap ngunit sumasagot sa tanong na bakit mo gusto ang isang bagay. Magkasama ang dalawang ito. Kasi kung walang mithiin, maaaring hindi mo maabot o pagsikapan ang pangarap. Magiging walang laman ang pangarap kung hind malinaw ang mithiin mo sa buhay.
Comments
Post a Comment