Ano Ang Kultura Sa Noli Me Tangere Kabanata 27?

Ano ang kultura sa Noli me Tangere kabanata 27?

Noli Me Tangere

Kabanata 27: Pagtatakipsilim

Kultura:

          Ang kulturang ipinakita sa kabanatang ito ay ang pagiging maawain at papahalaga sa kapwa. Sapagkat si Maria Clara ay higit na pinagpala kung ihahambing sa mga taong kanilang nakita sa daan tulad ng matandang ketongin at si Sisa na nawala sa katinuan matapos na mawalay sa kanyang mga anak na sina Basilio at Crispin, naisip niya na ibigay na lamang ang kanyang agnos sa matandang ketongin kahit na ang relikaryong iyon ay pasalubong ng kanyang amang si kapitan Tiyago. Siya na madalas ay nakakain ng masasarap. Katunayan, isang malaking handaan ang nakatakdang maganap sa kanilang tahanan. Bihira sa mga kagaya niyang mayaman ang nakakaisip na tumulong sa kanyang kapwa.

        Ipinakita rin dito ang pagiging mapagmalaki ng mga Pilipino lalo na kapag merong nagbibgay ng papuri. Magiliw na tinanggap ni kapitan Tiyago sa kanilang tahanan si Ibarra matapos na ito ay purihin ng isang tanyag na manunulat ng dyaryo mula sa Maynila. Dahil dito mas naging matindi ang kanyang kagustuhan na ipakasal ang kanyang anak sa binatang ito na nakapag aral sa Europa. Sa kabilang banda, si Ibarra naman ay nalulugod na napasaya niya ang kapitan at napapayag na makasama niya si Maria Clara na maglakad lakad sa labas.

Read more on

brainly.ph/question/2122636

brainly.ph/question/2097975

brainly.ph/question/2135397


Comments

Popular posts from this blog

The Great Circle On The Earths Surface Passing Through The North And South Pole, A. Latitude C.Prime Meridian , B.Longitude D. North Hemisphere, Pa An

Ano Ang Buod Ng Kwentong Ang Sugat Na Hindi Nakikita?