Ano Ang Tunggalian Sa Kabanata 25 Ng Noli Me Tangere?
Ano ang tunggalian sa kabanata 25 ng noli me tangere?
Noli Me Tangere
Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo
Tunggalian:
Sa kabanatang ito ang tunggalian ay makikita sa kung paano inihayag ni Pilosopo Tasyo ang kanyang pagtanggi na bigayan ng payo si Ibarra hindi dahil ayaw niya kundi dahil batid niya na siya ay wala sa posisyon para magbigay ng payo sa binata. Si Don Anastacio o tinagurian bilang si Pilosopo Tasyo ay kilala sa pagiging labis na matalino. Dahil sa kanyang angking katalinuhan, madalas ay pinapalagay na siya ay nasisiraan ng bait sapagkat hindi siya maunawaan ng mga tao sa paligid niya. Tanging ang mga taong may malawak na pang unawa lamang ang nakasusumpong paliwanag sa kanyang mga sinasabi at ikinikilos. Isa sa mga tao na naniniwala sa kanyang mga paliwanag ay si Ibarra kaya naman tinungo ng binata ang kanyang tahanan upang humingi ng payo sa matandang pilosopo.
Ang kanyang pagtanggi na magbigay ng payo kay Ibarra ay tanda ng pagkakaroon ng kawalan ng tiwala sa sarili. Sinabihan niya si Ibarra na sumangguni na lamang sa kura, kapitan heneral o di kaya ay sa mga mayayaman sa bayan ng San Diego kahit na ang mga taong kanyang tinukoy ay hindi magbibigay ng mabuting payo sa kanya ngunit ang pagpapasya ay mananatiling kay Ibarra kung susundin niya ba ang mga ito o hindi. Pinayuhan niya ang binata na maging mahinahon sa lahat ng kanyang mga gagawing pagpapasya. Batid kasi ni Pilosopo Tasyo na kahit anong mangyari hindi magwawagi si Ibarra laban sa mga prayle. Gayun pa man ang mga hakbangin ng binata ay tatatak sa puso at isip ng mga tao at mag iiwan ng marka na kalaunan ay gigising sa kanilang diwang makabayan.
Read more on
Comments
Post a Comment