Noli Me Tangere Kabanata 25 Buod

Noli me tangere kabanata 25 buod

Noli Me Tangere

Kabanata 25: Sa Tahanan ng Pilosopo

Buod:

         Sa kabanatang ito ay ipinakilala si Don Anastacio o mas kilala bilang si Pilosopo Tasyo. Siya ay kilala sa pagiging labis na matalino. Dahil sa kanyang angking katalinuhan, madalas ay pinapalagay na siya ay nasisiraan ng bait sapagkat hindi siya maunawaan ng mga tao sa paligid niya. Tanging ang mga taong may malawak na pang unawa lamang ang nakasusumpong paliwanag sa kanyang mga sinasabi at ikinikilos.  Isa sa mga tao na naniniwala sa kanyang mga paliwanag ay si Ibarra kaya naman tinungo ng binata ang kanyang tahanan upang humingi ng payo sa matandang pilosopo. Tumanggi ang pilosopo na magbigay ng payo sa halip sinabihan niya si Ibarra na sumangguni na lamang sa kura, kapitan heneral o di kaya ay sa mga mayayaman sa bayan ng San Diego.

        Inamin ni Pilosopo Tasyo na ang mga taong kanyang tinukoy ay hindi magbibigay ng mabuting payo kay Ibarra ngunit ang pagpapasya ay mananatiling kay Ibarra kugn susundin niya ba ang mga ito o hindi. Pinayuhan niya ang binata na maging mahinahon sa lahat ng kanyang mga gagawing pagpapasya. Batid kasi ni Pilosopo Tasyo na kahit anong mangyari hindi magwawagi si Ibarra laban sa mga prayle. Gayun pa man ang mga hakbangin ng binata ay tatatak sa puso at isip ng mga tao at mag iiwan ng marka na kalaunan ay gigising sa kanilang diwang makabayan.

Read more on

brainly.ph/question/2161389

brainly.ph/question/2135494

brainly.ph/question/2159949


Comments

Popular posts from this blog

The Great Circle On The Earths Surface Passing Through The North And South Pole, A. Latitude C.Prime Meridian , B.Longitude D. North Hemisphere, Pa An

Ano Ang Buod Ng Kwentong Ang Sugat Na Hindi Nakikita?