Sang Ayon Kaba Na Maging Bayani Ang Mga Ofw?Oo O Hindi?Bakit?
Sang ayon kaba na maging bayani ang mga ofw?Oo o hindi?Bakit?
Oo, bakit? Dahil sila yung mga taong handang isakripisyo ang kanilang buhay, pagod at puyat, masiguro lang na mayroon silang maipapakain at mabibigay lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya. Karamihan ng mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw, dahil na rin sa hindi sapat na kita rito sa Pilipinas, kung kayat napipilitan silang magtrabaho roon kahit alam nila na malalayo sila sa kanilang pamilya. Kung mayroon ka mang magulang na ofw, intindihin natin sila, huwag tayong mainis kung bakit sila nandoon at hindi laging nakakasama, dahil ginagawa nila iyon para makapag-aral tayo, maibigay lahat ng gusto at pangangailangan natin at para makakain ng tatlo o higit pang beses sa isang araw.
Lahat ng sakripisyo ay handa nilang gawin. Anumang hirap ay kaya nilang tiisin. Anumang bagay ay kaya nilang gawin para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Kaya akoy sumasang-ayon na maging bayani ang mga OFW.
I salute those OFWs who work not for themselves but for their family.
Comments
Post a Comment