Ano ang buod ng kwentong Ang Sugat Na Hindi Nakikita? Ang Sugat na Hindi Nakikita Buod: Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaki na nagkaroon ng sugat na hindi nakikita. Siya ay nagtungo sa pagamutan ng seruhano ipang ipagamot ang makirot na bahagi ng kanyang kamay na kanyang idinadaing. Sinuring mabuti ng seruhano ang bahagi ng kamay na idinadaing ng lalaki ngunit sa kasamaang palad ay wala siyang nakitang anuman na nakapagpapasakit dito. Nagalit ang lalaki sa sinabi ng seruhano kayat kumuha siya ng labaha at hiniwa niya ang kanyang kamay ng sa gayon ay magkakaroon na ng dahilan ang seruhano na siya ay gamutin. Napilitan ang seruhano na tahiin at gamutin ang lalaki. Naginhawaan ang lalaki at siya ay nagpasyang umuwi. Makalipas ang tatlong linggo, bumalik ang lalaki at sinabing mas masakit ang kamay niya kumpara sa una niyang pagdalaw sa pagamutan ng seruhano. Pinilit niya na gamutin muli ng seruhano ang kanyang kamay sa kabila ng hilom na nitong kondisyo...
Comments
Post a Comment